Quantcast
Channel: MYX | YOUR CHOICE. YOUR MUSIC.
Viewing all articles
Browse latest Browse all 6705

#ThrowbackThursday: 12 TV/Movie Personalities Who Once Had An Album/Single!

$
0
0

Madalas natin silang nakikita sa TV o sa pelikula, making us laugh, cry, love them or even hate them. But did you know that these personalities once entered the music industry?

As we throw it back today, Inilista namin dito sa MYXph.com ang 12 TV/movie personalities who once had an album or a single! Check out our list below!

1. Christopher De Leon


2002 nang i-release ng batikang aktor na si Christopher De Leon ang kanyang album na "Mga Awit-Pelikula ni Christopher De Leon" which included songs from some of his movies.

Here's a clip from Christopher's "Bituing Walang Ningning" below:

From YouTube user Geff Sampedro

2. Carlos Agassi


Sino ba naman ang makakalimot kay Carlos Agassi na kilala rin natin bilang "The Amir of Rap"? 

Dalawang albums ang na-release ni Carlos, ang "The Amir of Rap" noong 2002 at ang "C.A.R.L.O.S. Can Agassi Rap Like Old School?" noong 2003.

Check out "Senorita" by Carlos Agassi by clicking the video below:

From YouTube user easypea

3. Rufa Mae Quinto

The witty comedienne released her album "Rated R" noong 2002. Kabilang sa nasabing album ang mga kantang "Para Sa Iyo," "Perfecto," "Mayroong Iiyak, Mayroong Hahalakhak," "Booba," at marami pang iba.

4. JCS (John Prats, Carlo Aquino, Stefano Mori)
 

Ang cutie trio nina John Prats, Carlo Aquino at Stefano Mori, nagkaroon din ng album! Ang JCS ay nabuo sa youth-oriented show na "G-Mik" sa ABS-CBN.

Nakapag-release ang tatlo ng album na kabilang ang kantang "Matamis Mong Oo," "Nang Makilala Ka," "Pahina," at "G-Mik" na mapapakinggan niyo sa ibaba:

From YouTube user BormanF'nNorman

5. Cesar Montano


Aside from his numerous achievements in the movie industry, Cesar Montano also ventured into the music scene as he pour out his love for singing and even songwriting.

Watch his music video for "Darating Ang Araw" below:


6. Richard Gomez


Naging bahagi si Richard Gomez ng soundtrack ng pelikulang "Minsan, Minahal Kita" kung saan nakatambal niya ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Here's one track taken from the movie's soundtrack:

From YouTube user The Artist's Loving Hand

7. Diether Ocampo

Diether Ocampo, 1/5 of the group The Hunks, released an album together with his band Blow. Their first release was titled "Nice and Hard," which was followed by the album "Rock Manila."

Listen to one of Blow's singles below:

From YouTube user westmoore

8. Judy Ann Santos


Natunghayan din natin ang talento ni Judy Ann Santos sa pag-awit. Nakapag-release siya ng albums noong 1998 ("Judy Ann Santos"), 2002 ("Bida Ng Buhay Ko") at 2007 ("Musika Ng Buhay Ko"). 

Bukod dito ay nagkaroon din siya ng malaking concert para sa kanyang 20th anniversary noong 2007!

Pakinggan ang kanyang version ng "My Pledge Of Love" by clicking the video below:

From YouTube user JAGPIPOL6308

9. Angelu De Leon & Bobby Andrews


Ang malakas maka-throwback na loveteam nina Angelu De Leon at Bobby Andrews, nagkaroon din ng single!

Ito ay para sa kanilang version ng "It Might Be You" na kabilang sa soundtrack ng pelikulang "T.G.I.S. The Movie" kung saan gumanap sila bilang sina Peachy at Wacks!

Pakinggan ito by clicking the video below:

From YouTube user TGIS Thankgoditssabado

10. Claudine Barretto & Rico Yan (+)


Pinakilig din tayo ng loveteam nina Claudine Barretto and the late Rico Yan sa mga naging pelikula at TV shows nila.

Sa soundtrack ng pelikulang "Got 2 Believe," kung saan nakita rin natin sa huling pagkakataon ang kanilang tambalan, ay inawit din nina Rico at Claudine ang title track nito.

Panoorin ang music video nito sa ibaba:

From YouTube user rememberingricoyan

11. Heart Evangelista


We all know that VJ Heart also ventured into singing apart from her TV and movie stints. Her album "Heart" was released in 2005, containing the songs we all fell in love with -- "Love Has Come My Way," "One" and more.

Watch the music video for "One" below!

From YouTube user girlsgenie3

12. Shaina Magdayao


May iba siguro sa inyong nagulat na nagkaroon ng album si Shaina Magdayao! Titled "SHAINA," ni-release ang album na ito noong 2000. 

Meron itong 12 songs kabilang ang "Chicharon," "Jack En Poy," "Dear Mama," at ang "Sayaw Sweet Lullaby" na mapapakinggan niyo by clicking the video below!

From YouTube user SHAINA is Love

Hindi lang panalo pagdating sa acting ang mga personalities na ito, panalong-panalo rin sila sa kantahan!

May mga gusto ba kayong idagdag sa listahan namin? Feel free to leave your comments below!

Viewing all articles
Browse latest Browse all 6705

Trending Articles