
Noong Sabado ay itinanghal na grand prize winner ng Philippine Popular Music Festival 2014 ang "Salbabida" - ang original composition ni Jungee Marcelo na binigyang-buhay ni Kyla.
Ang "Salbabida" ay isang awit na nagbibigay ng inspirasyon sa napakaraming Pilipino dito at pati na rin sa buong mundo dahil sa positibong mensahe na hatid nito.
Ayon sa songwriter nito na si Jungee Marcelo, dalawang taon nang nasa kanya ang kantang ito. "I had the verse melody two years ago pa but I don't have the chorus so sabi ko, tabi ko muna," sabi niya sa aming MYXclusive interview after the Finals night. Coincidentally, nang malaman niyang ongoing na ang submission of entries para sa Philpop 2014, he thought of saving the song he had two years ago and he was able to make one that talks about saving lives.
Naikwento rin ni Jungee na gustung-gusto raw talaga niyang gumawa ng isang kanta na tungkol sa salbabida. "Parang umaawit eh when you say 'salbabida,' diba."
"I've always been fascinated with salbabida because goma lang siya eh, lalagyan mo lang ng hangin pero it can save a life," dagdag pa ni Jungee.
Panoorin ang full interview namin with Jungee Marcelo and the song interpreter Kyla by clicking the video below!
Espesyal ang kantang ito para kay Jungee dahil inaalay niya ang kantang ito sa kanyang "human salbabida" - ang kanyang butihing asawa at syempre, inaalay din niya ito sa salbabida nating lahat, ang ating Panginoon.
Ikaw, sino ang iyong salbabida?