
Dalawang dekada na pero sobrang tibay pa din ng Parokya!
Kaka-daos lang ng OPM band ng kanilang 20th Anniversary.
Saksi ang MYXph.com sa kanilang celebration sa Eastwood at sa press launch ng kanilang "Bente" DVD/CD.
Natanong namin ang individual members ng Parokya Ni Edgar kung ano kaya ang profession nila kung hindi sila nag-banda.
Siguradong ma-aaliw kayo sa sagot nila.
Alamin kung sino ang gustong maging environmentalist, maging cartoonist, maging isang teacher, isang politician at may nangangarap din maging isang pornstar!
Panoorin hanggang dulo ang aming MYXph exclusive video sa ibaba.
Bumili na ng "Bente" DVD at CD. Ang CD version ay naglalaman ng "best of" hits ng banda na may additional na dalawang bagong kanta. Sa DVD version naman, bukod sa CD, may laman itong music videos, documentary at ang throwback video ng unang-unang gig ng Parokya.
But wait! There's more! Number 1uli today ang "Ang Parokya" sa MYX Daily Top Ten. Patuloy ninyong iboto ito sa ating online voting poll.
Kayo, ano ang dream job ninyo? Maaari niyo ring batiin ang Parokya ni Edgar sa kanilang 20th anniversary. Mag-post ng inyong comments sa ibaba.